Monday, September 14, 2015

Ano ang Ekwilibriyo?

Ekwilibriyo
-Sa isang pamilihan, ang ekwilibriyo ay isang kalagayan na walang sinuman sa mamimili at nagbibili ang gustong baguhin ang kasalukuyang sitwasyon sa pamilihan. Ipinapakita ng ekwilibriyo ang pagkakasundo ng bumibili at nagbibili sa isang takdang presyo at dami ng produkto. Partikular itong makikita sa PAMILIHAN na kung saan nagpapakita ng transaksiyon ng mamimili at nagtitinda. 
Layunin ng isang pamilihan na panatilihin at maibalik ang kalagayang ekilibriyo. Kaya pag mas mataas pa ang ekwilibriyong presyo sa presyo, lubos na nasisiyahan ang nagbibili, kung di naman, kabaliktaran naman kapag mas mababa ang ekwilibriyong presyo kaysa sa presyo.
Hindi mawawala sa isang pamilihan ang kakulangan, na kung saan ang demand ay mas mataas kaysa sa dami ng suplay. Samantala, surplas naman ang sitwasyon kung saan ang dami ng suplay ay mas mataas kaysa sa dami ng demand.
Pagtatakda ng Presyo ng Pamahalaan
Ahensiya ng pamahalaan ang nagi-impluwensiya sa halaga ng produkto.
Ceiling price- pinakamataas na presyo na maaaring itakda ng pamahalaan.
Price floor- pinakamababang presyo na maaring itakda ng pamahalaan.
Mga ahensiya na namamahala sa pagtaas ng presyo:
Price Control Council
Board of Energy
Kagawaran ng edukasyon
Commission on Higher Education (CHED)
Ahensiya ng pamahalaan ang nagi-impluwensiya sa halaga ng produkto.
Ceiling price- pinakamataas na presyo na maaaring itakda ng pamahalaan.
Price floor- pinakamababang presyo na maaring itakda ng pamahalaan.
Mga ahensiya na namamahala sa pagtaas ng presyo:
-Price Control Council
-Board of Energy
-Kagawaran ng edukasyon
-Commission on Higher Education (CHED)
PAGBABAGO NG KURBA NG DEMAND NA WALANG PAGBABAGO SA KURBA NG SUPLAY
Tumaas ang demand habang ang suplay ay hindi nagbabago.
Halimbawa ay pagtaas ng kita.

Sa pagtaas ng demand sa produkto at serbisyo, ang kurba ng demand ay lilipat pakanan na magdudulot ng pagtaas ng ekwilibriyong presyo at pagtaas din ng ekwilibriyong dami.
Magkasabay na pagbabago ng suplay at demand.

Magkaparehong direksiyon.
Magkasalungat na direksiyon.

Sunday, September 13, 2015

Ano ang Supply?



Suplay- ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyon na nais at handing ipagbili ng mga negosyante sa pamilihan sa magkakaibang presyo sa isang takdang panahon

Iskedyul ng Suplay- ang talaan na nagpapakita ng relasyon sa pagbabago ng presyo at pagbabago ng suplay

Kurba ng Suplay- grapikong paglalarawan ng relasyon sa pagbabago sa presyo ng suplay

Kaugnayan ng suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod
Kapag mataas ang presyo ng isang bilihin tataas ang dami ng produktong handing ipagbili sa isang takdang panahon. Kapag mababa ang isang presyo ng bilihin, bababa rin ang presyo ng produktong nais ipagbili sa isang takdang panahon.

Elastisidad ng Presyo ng Suplay-pagsukat sa bawat porsyentong pagtugon ng dami ng suplay sa pagbabago ng presyo

a. Elastiko- kung ang pagbabago ay higit sa isa
b. Di- elastiko- kung ang pagbabago ay maliit sa isa
c. Unitary- kung ang pagbabago ay eksaktong isa
d. Perfectly Elastic- walang hanggang dami sa isang presyo
e.Perfectly Inelastic- parehong dami sa iba’t ibang presyo

Ano ang Demand?

Ano ang Demand?


--tumutukoy ito sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

Ang Batas ng Demand
--ayon sa batas ng demand, Kapag mababa ang presyo, Mataas ang demand. Kapag mataas ang presyo, mababa ang demand. Isang halimbawa nito ay ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado. Pangunahing pagkain ang bigas. Ang lalong pagtaas ng presyo ay may malaking epekto sa mamimili. Hindi kaya ng ordinaryong mamimili na bumili ng bigas na may presyong P50.00 bawat kilo. Hahanap sya ng mas mura tulad ng NFA rice na ang presyo nito ay P27.00 per kilo.


Iskedyul ng demand- ito ay isang talaan na nagpapakita ng bilang ng isang produkto batay sa inilaang presyo


Kurba ng Demand- ito ay isang grapikong paglalarawan ng presyo ng bilihin at demand


Elastisidad ng Presyo ng Demand-pagsukat sa bawat pursyentong pagtugon ng dami ng demandsa pagbabago ng presyo,


Mga Uri ng Elastisidad ng Demand

a. Elastiko- kung ang pagbabago ay higit sa isa
b. Di-elastiko- kung ang pagbabago ay maliit sa isa
c. Unitary- ang pagbabago ay eksaktong isa
d. Perfectly Elastic- isa lamang ang takdang presyo sa iba’t ibang dami ng dami ng demand
e. Perfectly Inelastic- isang takdang dami ng produkto sa iba’t ibang dami ng demand